HAPPY WORLD AIDS DAY, QC!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pakikiisa ng Lungsod Quezon sa selebrasyon ng World AIDS day kahapon.
Tinalakay sa programa ang taunang selebrasyon ng World AIDS day, sitwasyon ng HIV/AIDS sa bansa, at ang importansya ng pagkakaroon ng QC Service Delivery Network (SDN) na kumakalinga sa mga People Living with HIV/AIDS (PLHIV).
Ipinangako naman ni Mayor Joy ang patuloy na dagdag pondo ng lokal na pamahalaan para matiyak na natutugunan ang pangangailangang medikal ng QCitizens.
Nagkaroon ng MOU signing sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga miyembro ng QC SDN na mula sa mga pampubliko at pribadong ospital, treatment hubs and centers, civil society organizations, QC Departments, at mga advocacy groups.
Layon ng MOU na palakasin pa ang referral systems at gawing abot-kamay ang treatment para sa mga PLHIV.




