Ginugunita ngayong araw ang WORLD AIDS DAY na may temang “Let Communities Lead.”

Layon nito na itaas ang kamalayan tungkol sa HIV/AIDS at isulong ang pagkakaroon ng access sa tamang gamutan at serbisyo para sa mga may sakit nito.

Binibigyan din ng pagkilala ang mga indibidwal at organisasyon sa mga komunidad na nangunguna sa adbokasiya laban sa stigma at diskriminasyon.