Itinalaga ng United Nations General Assembly ang April 2 bilang World Autism Awareness Day.
Bilang pakikiisa, magkakaroon ng ‘Lighting of Quezon Shrine (Pylon)’ ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng QC Persons with Disability Affairs Office (PDAO) bukas, April 2, 2024, 6:00PM.
Layon nitong palawakin pa ang kaalaman ng QCitizens ukol sa Autism at isulong ang mas inklusibong lipunan.