Happy World Bicycle Day, QC!
Daan-daan ang siklistang dumalo sa bike event bilang pakikiisa sa World Bicycle Day ng Lungsod Quezon na pinangunahan ng Department of Public Order and Safety (DPOS).
Halos 12-km ang tinakbo ng mga nakilahok, mula sa City Hall patungong Payatas Controlled Disposal Facility (PCDF). Naging maayos din ang daloy nito dahil sa protected bike lanes na kanilang napakinabangan.
Nagkaroon pa ng tree planting activity kung saan 300 bamboo propagules ang itinanim sa PCDF.
Nakatanggap ang bikers ng freebies mula sa DPOS tulad ng dri-fit shirt, raincoat, shoe cover, at cycling vest.
Suportado ng lungsod ang pagkakaroon ng active lifestyle ng QCitizen at ang pagbibisekleta bilang alternatibong transportasyon. Kamakailan lang, binuksan sa publiko ang PCDF bike park upang mapakinabangan ng mga QCitizen.
Dumalo sa event sina DPOS Head Gen. Elmo San Diego, Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, Traffic and Transport Management Department OIC Dexter Cardenas, Barangay Payatas P/B Manny Guarin at mga kagawad.