Bilang bahagi ng selebrasyon ng World Bicycle Day, nagsagawa ng bike run ang Quezon City sa pangunguna ng Department of Public Order and Safety – Green Transport Office. Ibinida ng pamahalaang lungsod ang 93-kilometrong bike lane network na binabagtas ng mga pangunahing kalsada sa QC. Patuloy naman ang pagsasaayos ng mga bike lanes para sa mas ligtas na biyahe ng mga siklista at alternative transport users.
Noong 2021, pinarangalan ang QC ng bronze award sa ginanap na National Bike Lane Awards na inorganisa ng Department of Transportation at Department of the Interior and Local Government upang kilalanin ang best practices ng mga Local Government Unit pagdating sa pagsasaayos at pagpapaganda ng mga bike lanes.
Hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang mga QCitizens na magbisikleta at gumamit ng alternative transportation dahil bukod sa eco-friendly at abot-kaya, ito ay nakapagpapabuti sa kalusugan bilang ehersisyo.











































