Mas papaigtingin pa ng Quezon City Government at Philippine Cancer Society (PCS) ang kampanya laban sa cancer, sa pamamagitan ng “ACT NOW: 30-day screening to treatment” program.

Sa ACT NOW, mas papalakasin ang sistema at proseso ng pangkalahatang cancer control initiatives ng lungsod. Tinitiyak na sa loob ng 30 araw, sasailalim ang mga QCitizen sa early screening hanggang sa pagsisimula ng treatment.

Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng pagpapa-check up para sa early detection. Sa Quezon City, sisiguraduhin na magagamot agad ang pasyenteng may cancer para hindi na lumala pa.

LIBRE ang breast, cervix, at lung cancer screening sa mga health center sa lungsod. Iikot din ang PCS mobile clinic sa mga komunidad para magbigay ng mga nasabing serbisyo.

Nakiisa rin sa paggunita ng World Cancer Day sina Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon, City Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, PCS President Dr. Corazon Ngelangel, at mga kinatawan mula Department of Health, St. Luke’s Medical Center, Philippine Society of Oncologists, Lung Center of the Philippines, Philippine Society of Medical Oncology, at East Avenue Medical Center.

+31