Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
February 4 is World Cancer Day ![]()
Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang World Cancer Day na may temang “United by Unique.”
Ang tema ay bahagi ng kampanyang itinaguyod ng Union for International Cancer Control (UICC) mula 2025 hanggang 2027 bilang pagtugon sa sakit na cancer.
Nakikiisa ang lokal na pamahalaan sa laban kontra cancer sa pamamagitan ng mga programang pangkalusugan na naglalayong mapababa ang bilang ng mga naaapektuhan at pumapanaw dahil sa naturang sakit. Kabilang dito ang naganap na Cancer Screening Activity na pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte sa Quezon City Hall para sa mga kawani ng pamahalaang lungsod.






