Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ngayong araw, ating ginugunita ang World Day Against Child Labor bilang pagpapatibay ng ating paninindigan na protektahan ang karapatan, kapakanan, at kinabukasan ng bawat bata.
Sa Quezon City, patuloy nating isinusulong ang mga programang nagtataguyod ng karapatan ng mga bata sa pamamagitan ng edukasyon, serbisyong pangkalusugan, social protection, at iba pang child-friendly initiatives.
Sama-sama nating wakasan ang child labor at bumuo ng isang lungsod kung saan ang bawat bata ay malayang matuto, maglaro, at umunlad.






