Para mas maprotektahan ang kabataan at tugunan ang mga isyu patungkol sa child labor ay ginanap ang ‘2023 World Day Against Child Labor” sa Quezon City.
Nagkaroon ng ceremonial signing ng Memorandum Of Agreement (MOA) ang Quezon City Government at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa Strategic Help Desks for Information, Education, Livelihood, and other Developmental Interventions (SHIELD) Program against Child Labor.
Pumirma rin ng MOA ang QC-LGU at ang World Vision para ipagpatuloy ang partnership upang matugunan ang child labor sa Lungsod.