“Magsumbong, makialam, makiisa”.
Ngayong araw ay ginugunita ang World Day Against Trafficking in Person na may temang “Human trafficking is Organized Crime – End the Exploitation”.
Ang Quezon City Government ay patuloy na nakikiisa at nagsusulong ng mga programa at polisiyang nagbibigay proteksyon sa mga mamamayan at nagbibigay lakas at suporta sa mga biktima.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, edukasyon, at pagbibigay ng tamang impormasyon, makakamit natin ang isang ligtas na lipunan kung saan walang sinuman ang nalalagay sa panganib o napagkakakitaan ang kahinaan.
Sa Quezon City, walang puwang ang pananamantala.
