Dito sa QC, walang puwang ang pananamantala.
Ginugunita ngayong araw, July 30, ang World Day Against Trafficking in Persons na may temang “Trapped behind the scam.”
Idineklara ito ng UN General Assembly noong 2013 upang itaas ang kamalayan tungkol sa karanasan ng mga biktima ng human trafficking at isulong ang proteksyon ng kanilang karapatan.
Patuloy na nakikiisa ang Quezon City Government sa pagsulong ng mga programa para sa proteksyon ng bawat isa at pagbibigay ng suporta para sa mga biktima ng pananamantala at pang-aabuso.
Kabilang sa mga inisyatiba ng lungsod ang Quezon City Stops All Forms of Exploitation o QC SAFE Seal na itinatag noong World Day Against Trafficking in Persons 2025 sa bisa ng Executive Order No. I Series of 2025. Ito ang kauna-unahang certification program para sa mga hotel, inn, at mga kaugnay na establisimyento na nakikiisa sa pagpigil sa anumang uri ng abuso at pananamantala.
Bilang QCitizen, sama-sama tayong tumindig at kumilos. Magsumbong, makialam, at makiisa para sa mas ligtas at mapayapang Quezon City.






