QCitizens, ngayong araw ay ipinagdiriwang ang World Diabetes Day.

Ayon sa World Health Organization, ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Breaking Barriers, Bridging Gaps”.

Layon nitong mas palawakin pa ang kamalayan ng publiko ukol sa sakit na diabetes at maisulong ang tamang pangangalaga sa mga taong may ganitong karamdaman.