Happy #WorldEnvironmentDay, QCitizens! ![]()
![]()
![]()
Ipinagdiriwang natin tuwing June 5 ang World Environment Day, sa bisa ng resolusyong pinagtibay ng United Nations General Assembly (UNGA) noong 1972.
Sa temang “Inspired by Nature. For Climate. For our Future.” ngayong taon, hinihikayat ang pandaigdigang komunidad na patatagin ang kooperasyon, magbahagi ng mga solusyon, at palakasin ang mga hakbang tungo sa isang climate-resilient na kinabukasan.
Kailangan nating lahat na tiyaking napapangalagaan at sustainable ang paggamit ng kalikasan.
Sa Quezon City, patuloy nating itinataguyod ang iba-ibang sustainable at environment-friendly programs—mula sa circular economy, urban farming, at biodiversity restoration, hanggang sa green transport at renewable energy transition.
Sama-sama nating pangalagaan ang kapaligiran at maging bahagi ng pagbuo ng mas #LuntiangQC para sa susunod na henerasyon. ![]()
![]()
![]()






