Ginugunita tuwing Oktubre 16 taun-taon ang World Food Day upang palawakin ang kamalayan at isulong ang mga hakbang para solusyunan ang isyu ukol sa gutom at malnutrisyon sa buong mundo.
Ang tema ngayong taon ay “Right to foods for a better life and a better future”. Binibigyang-diin nito ang pagkakaroon ng sapat, abot-kaya, at ligtas na pagkain dahil ito ay bahagi ng ating karapatang pantao.