Nakiisa ang Quezon City Government sa pagdiriwang ng World Food Day sa Rio de Janeiro noong October 16, 2022 kung saan pinailawan ng asul ang tanyag na Christ the Redeemer statue.
Kasama rin sa selebrasyon ang iba-ibang government leaders, simbahan, United Nations Food and Agriculture Organizations (UN FAO), International Fund for Agriculture Development (IFAD), Interamericano de Cooperacso para a Agricultura (IICA) at World Food Program (WFP).
Isa ang Quezon City sa mga lungsod na nagsusulong ng food security program tulad ng GROWQC at Joy of Urban Farming upang matugunan ang krisis sa pagkain at makapagbigay ng kabuhayan sa mga QCitizen sa pamamagitan ng urban agriculture.