Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
It’s #WorldFoodDay, QCitizens! ![]()
![]()
Ipinagdiriwang tuwing October 16 ang World Food Day para isulong ang kamalayan at mga hakbang para mabigyang-solusyon ang gutom at malnutrisyon sa buong mundo.
Ngayong taon, ang tema ng pagdiriwang ay “Innovate today. Nourish tomorrow.”
Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang food security sa pamamagitan ng maunlad at makabagong pamamaraan.
Kabilang sa mga inisyatiba ang pagtataguyod ng Quezon City Food Security Task Force (QCFSTF) na naglalayong palakasin ang ating food systems sa pamamagitan ng Joy of Urban Farming at GrowQC.
Sama-sama nating isulong ang food-secure at food-resilient QC! ![]()






