Kinilala si Mayor Joy Belmonte bilang World Integrity Prize: “Person of Sincere Anti-Corruption Integrity” ng Anti-Corruption Civil Movement General Federation (ACCMGF).
Bukod sa natanggap na pagkilala, iginawad kay Mayor Joy ang Digital Asset Award, at itinalaga siya bilang Adviser ng International Digital Asset Committee.
Ang parangal na ito ay isang patunay ng kanyang tapat at mahusay na pamamahala sa lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon.
Nilagdaan rin ng alkalde ang Memorandum of Understanding (MOU) upang higit pang pagtibayin ang pagtutulungan ng Quezon City at ACCMGF.
Kasama sa pagkilala sina ACCMGF Central Representative Chairman, Dr. Francisco L. Villanueva, Jr. at Quezon City University President, Dr. Theresita Atienza.




