Ngayong #WorldMentalHealthDay, ating bigyang pagpapahalaga ang kalusugan ng ating kaisipan.

Ating kamustahin ang kalagayan ng ating mga kaibigan, katrabaho, at mga mahal sa buhay upang ipaalam at ipadama na sila’y may karamay sa anumang pagsubok na kanilang kinakaharap. Tayo ay magsama-sama at magtulungan upang mapabuti ang bawat isa.

Sumangguni at huwag mag-alinlangang humingi ng tulong kung kinakailangan.

National Mental Health Crisis Hotline:

Mobile No: 0917 899 8727

Landline: (02) 8989 8727

Philippine Mental Health Association Inc:

Mobile: 0917 565 2036, 0917 565 2037

Landline: (02) 8921 4958, (02) 8921 4959