Ipinagdiriwang ngayong araw ang World Mental Health Day na layong palaganapin pa ang kamalayan at kaalaman ukol sa kahalagahan ng mental health o kalusugang pangkaisipan.
Hinihikayat po ng Pamahalaang Lungsod ang bawat QCitizen na suportahan, gabayan, tulungan, at unawain ang mga kababayan nating nakakaranas ng mental health issues.
Sa QC, hindi ka nag-iisa dahil laging may handang umalalay at makinig sa iyo.