Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Today is World No Tobacco Day! ![]()
![]()
![]()
Ipinagdiriwang tuwing May 31 ang World No Tobacco Day, alinsunod sa resolusyong inilabas ng World Health Organization (WHO) noong 1987.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Unmasking the Appeal – Countering Nicotine and Tobacco Addiction”, na naglalayong ilantad ang mga taktika ng tobacco industry at nicotine products, at pataasin ang kamalayan ng publiko tungkol sa panganib na dulot ng paggamit nito.
Kaisa ang Quezon City Government sa pagsusulong ng isang mas malusog at smoke-free na komunidad sa pamamagitan ng mga programang nagtataguyod ng kalusugan at nagpoprotekta sa QCitizens, lalo na sa mga kabataan, laban sa masamang epekto ng paninigarilyo at adiksyon sa tabako.






