Mas pinagtibay pa ng Quezon City Government at Novo Nordisk ang kampanya laban sa obesity!
Kasabay ng World Obesity Day, pormal nang binuksan ng pamahalaang lungsod at Novo Nordisk, sa pakikipagtulungan sa Royal Danish Embassy, ang health totems sa jogging paths ng Quezon Memorial Circle.
Nakalagay sa totems ang mga gabay sa pagtukoy ng BMI, waist measurement, at healthy behaviors para mas ma-motivate ang mga namamasyal sa parke magpapawis at mag-ehersisyo.
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa selebrasyon, kasama sina Danish Ambassador to the Philippines His Excellency Franz-Michael Mellbin, Novo Nordisk Philippines General Manager Wei Sun, Coun. Kristine Matias at QCHD Health Officer Dr. Ramona Abarquez.
Bukod sa paglalagay ng health totem, iba-ibang programa na ang ipinapatupad ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng healthy lifestyle, kabilang ang calorie labeling policy, workplace wellness programs, at expanded physical activity campaigns.










