Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ginugunita ngayong May 3 ang World Press Freedom Day, bilang pagkilala sa mahalagang papel ng malayang pamamahayag sa isang demokratikong lipunan.
Nagsisilbing paalala ang araw na ito na dapat igalang ng pamahalaan ang kanilang tungkuling protektahan ang kalayaan sa pamamahayag, at patuloy na labanan ang pagkalat ng maling impormasyon, lalo na sa social media.
Sama-sama rin nating gunitain ang mga mamamahayag na nagbuwis ng kanilang buhay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin na ilahad ang katotohanan.






