QCitizens, let’s move towards a rabies-free Quezon City! ![]()
![]()
![]()
Ipinagdiriwang ngayong araw, September 28, 2025, ang World Rabies Day na may temang “Act Now: You, Me, Community”.
Ito ay isang panawagan para sa lahat na makilahok sa pandaigdigang pagsugpo sa rabies sa pamamagitan ng responsableng pag-aalaga ng hayop at wastong pagbabakuna taon-taon.
Ang rabies ay nakamamatay kung hindi agad maaagapan. Lubhang mapanganib ito hindi lamang sa ating mga alagang hayop, kundi pati na rin sa ating mga tao.
Para sa iba pang impormasyon ukol sa rabies, panoorin ang video na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=S6AOYbmW98M
Kung sakaling nakagat o nakalmot kayo ng aso o pusa, huwag mag-atubiling magpakonsulta sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center (ABTC) sa inyong lugar:
District 1
Project 6 Health Center
Proj. 8, Alley 3, Brgy. Project 6
0929-715-0762
District 2
Batasan Hills Super Health Center
IBP Road, Brgy. Batasan Hills
0947-810-1464 | 0908-547-3257
District 3
Socorro Health Center
#115th Ave., Brgy. Socorro
711-77234
District 4
Tatalon Health Center
#31 Victory Ave., Brgy. Tatalon
7393-1912
District 5
Kaligayahan Health Center
#7 Kingfisher St., Brgy. Kaligayahan
0963-154-1440
District 6
Melchora Aquino Health Center
Lobos St., NIA, NPC, Brgy. Tandang Sora
700-10895
Bukas ang mga ABTC mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00AM – 5:00PM. Dalhin lamang ang inyong QCitizen ID o kahit anong valid ID na may QC address para sa mga adult, at National Immunization Program (NIP) vaccination card o school ID naman para sa mga bata.
Tandaan: Kapag si bantay at muning ay may bakuna, ligtas ang bawat pamilya. ![]()
![]()
![]()





