Together, let us #EndRabies and achieve zero human deaths by 2030! ![]()
![]()
Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang World Rabies Day 2026 na may temang “Stronger Together.”
Isa itong paalala sa ating kolektibong gampanin bilang isang komunidad sa pagsugpo sa rabies. Sama-sama nating isulong ang responsableng pag-aalaga ng hayop at wastong pagbabakuna.
Patuloy na naghahatid ng iba-ibang veterinary services ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Quezon City Veterinary Department (QCVD), kabilang ang libreng anti-rabies vaccination para sa mga alagang hayop.
Nakamamatay ang rabies kung hindi agad maagapan. Kung nakagat o nakalmot ng anumang hayop, huwag mag-atubiling kumonsulta sa ating Animal Bite Treatment Centers: https://www.facebook.com/QCGov/posts/1271483008499669
Panoorin ang video na ito para sa iba pang impormasyon ukol sa rabies: https://www.facebook.com/share/v/17KbGg6nXt/?mibextid=wwXIfr






