It’s World Rabies Day, fur parents!
Ipinagdiriwang ngayong ika-28 ng Setyembre ang World Rabies Day na may temang “Rabies: One Health, Zero Deaths” upang maipalaganap ang kamalayan at pagsugpo sa sakit na ito.
Ang ating lokal na pamahalaan ay patuloy na nagbibigay ng mga serbisyo para sa pangangalaga ng ating mga alagang hayop katuwang ang Quezon City Veterinary Department.
Magkakaroon ng LIBRENG ANIMAL CARE SERVICES sa September 30, 2022, 9:00AM – 3:00PM sa Quezon Memorial Circle bilang pagdiriwang sa World Rabies Day.
Mag-register lamang sa link na ito: https://fb.me/e/24zLXPofG
Maging responsableng pet owners. Regular na i-update ang mga bakuna ng iyong alagang aso at pusa kontra rabies.