Ngayong World Rabies Day, mag-ingat sa sakit na rabies, QCitizens!
Ang rabies ay nakamamatay kapag hindi naagapan kaya huwag ipagwalang-bahala ang kalmot o kagat ng anumang hayop.
Maaaring magtungo sa Animal Bite Treatment Centers ng lungsod para sa agarang lunas.
Bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00AM – 5:00PM. Dalhin ang inyong QCitizen ID o kahit anong valid ID na may QC address para sa mga adult, o National Immunization Program (NIP) vaccination card o school ID para sa mga bata.
Pabakunahan rin ang inyong mga alagang aso at pusa para maging ligtas sa nakamamatay na sakit na rabies.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa rabies, tingnan ang post na ito: https://www.facebook.com/QCGov/posts/pfbid029VKxUwy8rx2xpHyvUW3AQgpiStG78mYCWznfsoRCZQiBKKVAFJzDjNXn1YBVsGFdl