Bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Spay Day, nagsagawa ng libreng kapon at iba pang animal care services ang QC Veterinary Department katuwang ang tanggapan ni Coun. Joseph Visaya sa SM Novaliches ngayong araw.
Umabot sa 132 na aso at pusa ang kinapon, nasa 340 ang nakatanggap ng libreng bakuna kontra rabies, at 80 naman ang nabigyan ng microchip.
Nagkaroon din ng pet consultation, deworming, at adoption para sa mga furbaby.
Para sa schedule ng libreng veterinary services sa lungsod, makipag-ugnayan lamang sa Quezon City Veterinary Department.




