Kumusta ka? Alam mo bang mahalaga ka? ❤️

Ang simpleng ‘kumusta’ ay maaaring makapagbigay ng liwanag at pag-asa sa bawat isa.

Ang #WorldSuicidePreventionDay ay ginugunita tuwing ika-10 ng Setyembre bawat taon upang palawakin ang kamalayan at isulong ang mga hakbang na mabawasan ang tumataas na bilang ng mga kaso ng suicide at suicide attempt sa mundo.

Ang ating lokal na pamahalaan ay may mga inihandang programa para sa pangangalaga ng mental health ng mga QCitizen tulad ng pagbibigay ng libreng consultation at libreng maintenance medicine para sa mga mayroong mental health condition. Makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na health center sa inyong barangay upang makakuha ng gamot.

Kung ikaw o may kakilala kang nangangailangan ng tulong o makakausap, maaaring tumawag sa mga sumusunod na numero na handang makinig sa iyo:

National Center for Mental Health Crisis Hotline:

• 1553 (Nationwide landline toll-free)

• GLOBE / TM: 0917-899-8727; 0966-351-4518

• SMART / SUN / TNT: 0908-639-2672