Kumusta ka, QCitizen?
Ang simpleng ‘kumusta’ ay maaaring makapagbigay ng liwanag at pag-asa sa bawat isa.
Ang #WorldSuicidePreventionDay ay ginugunita tuwing ika-10 ng Setyembre bawat taon upang palawakin ang kamalayan at isulong ang mga hakbang na mabawasan ang bilang ng mga kaso ng suicide at suicide attempt sa mundo.
Mayroon ding programa ang Lungsod Quezon sa pagbibigay ng libreng consultation at libreng maintenance medicine para sa may mental health condition. Makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na health center.
Kung ikaw o may kakilala kang nangangailangan ng tulong o makakausap, tumawag lamang sa mga numero na handang makinig sa iyo:
QC Helpline: 122
National Center for Mental Health Crisis Hotline:
• 1553 (Nationwide landline toll-free)
• GLOBE / TM: 0917-899-8727; 0966-351-4518