Kumusta ka, QCitizen?
Ang simpleng ‘kumusta’ ay maaaring makapagligtas ng buhay at makapagbigay ng liwanag ng pag-asa.
Ngayong araw, September 10, ay ginugunita ang #WorldSuicidePreventionDay upang palawakin ang kamalayan at isulong ang mga hakbang na ķmabawasan ang bilang ng mga kaso ng suicide at suicide attempt sa mundo.
Ang Quezon City Government ay kaagapay din ng bawat QCitizen sa pangangalaga ng mental health.
Kabilang dito ang pagsasabatas ng QC Mental Health Ordinance o Mental Health Code, pagkakaroon ng Mental Wellness Access Hub, pagbubuo ng 24/7 Mental Health Hotline, pagtatayo ng Mental Health Halfway Home, at integrated mental health service delivery network.
Kung ikaw o may kakilala kang nangangailangan ng tulong o makakausap, tumawag lamang sa mga numero na handang makinig sa iyo:
QC Helpline: 122
National Center for Mental Health Crisis Hotline:
• 1553 (Nationwide landline toll-free)
• GLOBE / TM: 0917-899-8727; 0966-351-4518