Ayon sa datos ng International Association for Suicide Prevention, umaabot sa mahigit 720,000 ang naitatalang kaso ng suicide kada taon sa buong mundo.
Kaya naman ngayong World Suicide Prevention Day, kaisa ng mundo ang Quezon City Government sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa kalusugang pangkaisipan ng QCitizens, alinsunod sa Quezon City Mental Health Code of 2022.
Ang tema ng paggunita ngayong taon ay “Changing the Narrative on Suicide” na layong mahikayat ang bawat isa, kabilang na ang mga komunidad, organisasyon, at local government units, na makilahok sa bukas at tapat na mga talakayan ukol sa suicide at suicidal behavior. Sa pamamagitan lamang nito tunay na mabibigyan ng suporta ang mga nakakaranas ng mental health issues, at mapapalawak ang kamalayan ng publiko tungo sa pagkakaroon ng lipunang may pang-unawa at malasakit sa kapwa.
Tandaan, ang suicide ay maaaring maiwasan. Mayroon kayong malalapitan na handang makinig sa inyo.
Tumawag lamang sa Helpline 122 o bumisita sa ating mga Health Center at Mental Wellness Access Hubs. Tingnan ang post na ito:
Maaari ring tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline:
• 1553 (Nationwide landline toll-free)
• GLOBE / TM: 0917-899-8727
• SMART / TNT: 0919-057-1553
Hindi ka nag-iisa, QCitizen.




