Kumusta ka, QCitizen?
Ang simpleng “kumusta” ay maaaring magbigay ng lakas at pag-asa. ![]()
Ngayong September 10, ating ginugunita ang #WorldSuicidePreventionDay upang palawakin ang kamalayan at hikayatin ang bawat isa na makinig, magmalasakit, at magbigay ng suporta sa nangangailangan.
Kaagapay din ninyo ang Pamahalaang Lungsod sa pangangalaga ng mental health sa pamamagitan ng iba-ibang programa at inisyatiba.
Kabilang dito ang pagsasabatas ng QC Mental Health Ordinance o Mental Health Code, pagkakaroon ng Mental Wellness Access Hub, at pagbuo ng 24/7 Mental Health Hotline.
Kung ikaw o may kakilala kang nangangailangan ng tulong o makakausap, tumawag lamang sa mga numero na handang makinig sa iyo:
QC Helpline: 122
National Center for Mental Health Crisis Hotline:
• 1553 (Nationwide landline toll-free)
• GLOBE / TM: 0917-899-8727; 0966-351-4518
• SMART / TNT: 0919-057-1553






