Sa QC, hindi ka nag-iisa. ![]()
Nakiisa ang Quezon City Government sa World Suicide Prevention Day Fun Run, isang 3-KM run na naglalayong itaguyod ang mental health awareness, suicide prevention, at kahalagahan ng pagkakaroon ng suporta para sa bawat isa.
Tampok din sa aktibidad ang mga mental health booths, fun activities, at nutrition and wellness booths na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pangangalaga sa mental at physical well-being.
Nagpaabot ng mensahe ng suporta sina Dr. Janice Kathleen Malesido, OIC Regional Director ng DOH-NCR, at Coun. Vito Sotto Generoso, kasama ang City Health Department sa pangunguna ni Dr. Ramona Abarquez.
Kung kailangan mo ng kausap, maaaring tumawag sa QC Mental Health Helpline na bukas 24/7. I-dial ang 122. ![]()
Maaari rin bumisita sa pinakamalapit na health center para makausap ang mga health professional na handang makinig at tumulong.










