Taos-pusong pagpupugay sa mga gurong QCitizen!
Ipinagdiwang ng Quezon City Government ang mga natatanging kontribusyon ng mga guro sa lipunan, sa isinagawang World Teacher’s Day celebration sa SM North Skydome ngayong araw.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy na napakalaki ng epekto ng mga aral na itinuturo ng mga guro sa mga estudyante. Ito ang nagsisilbi nilang inspirasyon sa pagtahak sa kanilang kinabukasan paglabas nila sa apat na sulok ng paaralan.
Bilang pasasalamat sa kasipagan at dedikasyon ng mga QCitizen teacher sa kanilang propesyon, pinarangalan din ng lungsod at Schools Division Office ang mga gurong naglingkod nang mahigit 40 taon.
Nagkaroon din ng raffle prizes para sa mga teacher.
Kasama ni Mayor Joy na nakisaya sa pagdiriwang sina Vice Mayor Gian Sotto, District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, Schools Division Superintendent Carlene Sedilla, Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso, Coun. Aly Medalla, at QC Sangguniang Kabataan Federation President Julian Trono.