Mabuhay ang mga gurong QCitizen!

Kinilala ng Quezon City Government ang mga gurong nagpamalas ng galing at dedikasyon sa kanilang tungkulin sa selebrasyon ng lungsod sa World Teacher’s Day.

Mismong si Mayor Joy Belmonte ang naggawad ng Pinakanatatanging Guro sa Panahon ng Pandemya award kina Teacher Shirley Alambra ng West Fairview Elementary School at Ruby Ana Bernardo ng Sta. Lucia High School ngayong umaga.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Mayor Joy ang mga guro dahil sa pagsisikap nilang magbahagi ng kaalaman sa mga kabataang QCitizen.

Itinanghal ding Natatanging Lider sa Panahon ng Pandemya si QC Public School Teachers Association President Kristhean Navales at Natatangging Kaagapay ng Komunidad naman si Teacher Elena Estabillo ng New Era High School. Pinarangalan din ang iba pang pinakamagaling na guro mula sa iba-ibang distrito.

Bukod kay Mayor Joy, nakisaya rin sa pagdiriwang ng araw ng mga guro sina Councilor Aly Medalla, Councilor Noe Dela Fuente, Schools Division Superintendent Jenilyn Rose Corpuz, mga opisyal ng Schools Divisions Office, at Department of Education.