Ipinagbunyi muli ng Quezon City Government ang mga masisigasig na guro, sa World Teachers’ Day celebration sa Quezon City Science High School ngayong araw.
Binigyang diin ni Mayor Joy Belmonte ang pagpupursigi ng mga guro na magbahagi ng aral at kaalaman sa mga estudyante sa kabila ng kaliwat-kanang hamon na dulot ng nagbabagong mundo.
Hinikayat rin niya ang mga guro na ipagpatuloy nilang himukin ang mga kabataan para magkaroon sila ng mas magandang kinabukasan at maging huwaran sila sa mga mag-aaral.
Kinilala rin ng Schools Division Office ang mga QCitizen teachers na taos-pusong naglingkod at namahagi ng kaalaman at karunungan sa kabataan nang mahigit 40 taon.
May ipinamahagi rin na cash prizes sa mga maswerteng guro.
Kasama ni Mayor Joy na nagpasaya at nagpangiti sa pagdiriwang sina ACT Teachers Partylist Rep. Franz Castro, City Administrator Michael Alimurung, Schools Division Superintendent, Carleen Sedilla, at Head of the Education Affairs Unit, Maricris Veloso.