Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
HAPPY WORLD TEACHER’S DAY! ![]()
![]()
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa World Teachers’ Day Tribute ng Schools Division Office (SDO) para sa mga guro ng QC public schools.
Para kay Mayor Joy, bilang pangalawang magulang ng mga estudyante ay nasa kamay ng bawat guro ang paghubog ng landas at kinabukasan ng bawat mag-aaral sa lungsod.
Binigyang-diin ng Alkalde na magiging prayoridad pa rin ng lokal na pamahalaan ang pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon sa QC.
Kasama ng Alkalde sa programa sina SDO Superintendent Carleen Sedilla at Social Services Development Department OIC Lorelei Salvador.








