Happy National Teacher’s Day!
Aabot sa 10,500 guro mula sa iba-ibang panig ng Pilipinas ang dumalo sa pambansang selebrasyon ng 2026 National Teachers’ Day na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Nakiisa sa pagdiriwang sina President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Education Secretary Sonny Angara, at Mayor Joy Belmonte, kasama ang mga alkalde ng mga lungsod sa NCR at iba pang opisyal ng Department of Education (DepEd).
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy na pinahahalagahan ng Quezon City Government ang mahalagang papel ng mga guro. Dahil dito, patuloy na pinalalakas ng lungsod ang mga programa at benepisyo para sa kanila, kabilang ang pagtaas ng kanilang buwanang allowance simula sa susunod na taon.
Ibinahagi naman ni PBBM ang mga hakbang ng national government para sa mga guro, gaya ng pagpapagaan sa kanilang workload, at paglalaan ng mas malawak na oportunidad para sa kanilang career advancement at professional development.










