Dumalo bilang speaker si Mayor Joy Belmonte sa selebrasyon ng World Tuberculosis Day 2023 sa Quezon Memorial Circle.
Pinangasiwaan ito ng Philippine Coalition Against Tuberculosis (PhilCAT) na may temang “Tayo’y magBayanihan, TB ay Tuldukan.”
Kabilang sa programa ang mga aktibidad gaya ng TBikseleta bike run, Zumba, at Parade of Colors. Samantala, pinarangalan naman ang mga nanalong Best TB-themed TikTok entries at ang Symbolic Graduation Ceremony para sa mga gumaling sa TB.
Dumalo naman sa programa sina Committee on Health and Sanitation Chairperson Coun. Bernard Herrera, Department of Health (DOH-MMCHD) Regional Director Dr. Aleli Sudiacal, WHO Philippines Technical Officer Dr. Bayo Fatunmbi, DOH Assistant Secretary Dr. Beverly Ho, PhilCAT Chairperson Dr. Janice Caoili, at USAID Deputy Mission Director Rebekah Eubanks.
Kasama rin sa selebrasyon ang mga kinatawan ng health department mula sa iba-ibang lungsod sa NCR, ahensya ng pamahalaan, at mga organisasyong nakikiisa sa laban kontra TB.