Nagsagawa ng preparatory meeting ang World Vision – Project Against Child Exploitation (ACE) at ang Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO) kasama ang youth volunteers, facilitators, at organizers para sa gaganaping 2022 Children’s Congress na bahagi ng selebrasyon ng Children’s Month, sa Hive Hotel & Convention Place.
Nagkaroon din ng talakayan patungkol sa R.A 9231 o ang mga child rights at ang safeguarding behavior protocols for children para sa youth volunteers, facilitators, at mga miyembro ng QC Council for the Protection Children – Technical Working Group (QCCPC-TWG).
Dumalo sa meeting sina QC PESO Manager Rogelio L. Reyes, QC Health Department Medical Officer V Dr. Leticia De Guzman, World Vision – Project ACE Daphne G. Culanag, at World Vision Child Protection and Participation Specialist Sybelle Delmo, RSW, MSSW.