Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ibinahagi ng Quezon City Government ang iba-ibang programa ng lungsod para sa mga kabataan, sa pagbisita ng South Asia Pacific Leaders ng World Vision sa QC.
Kabilang rito ang mga programa at polisiya laban sa Child Labor, at OSAEC at CSAEM (Online Sexual Abuse or Exploitation of Children at Child Sexual Abuse or Exploitation).
Noong 2021, sinimulan ng lokal na pamahalaan at World Vision ang pagtutulungan para makabuo ng mga inisyatibo at ordinansang tutugon sa problema ng child labor sa lungsod, sa ilalim ng Project Against Child Exploitation (ACE).










