Bayanihan sa Katubigan, Krisis sa Klima Labanan!
Ngayong World Water Day 2025, nakikiisa ang Quezon City Government sa pagsusulong ng responsableng paggamit ng tubig.
Sa Quezon City, patuloy na ipinapatupad ang mga polisiya at proyektong nakatuon sa water conservation and security. Kabilang dito ang paglalagay ng rainwater harvesters sa mga city-owned building na napakikinabangan ng higit sa 1,000 urban farms sa lungsod.
QCitizens, sama-sama tayong magtulungan sa paglutas ng mga suliranin sa nagbabagong klima. Maging mas responsable sa paggamit ng tubig sa loob at labas ng tahanan upang mapanatiling ligtas at sapat ang tubig sa mga susunod na henerasyon.
