Pinasinayaan ni Mayor Joy Belmonte ang World Water Day Exhibit tampok ang mga proyekto ng iba-ibang ahensya tungo sa water regulation at water security lalo na sa gitna ng El Nino phenomenon.
Kasama sa seremonya sina National Water Resources Board (NWRB) OIC Executive Director Atty. Ricky Arzadon, Manila Water Foundation (MWF) Executive Director Reginald Andal, at Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) head Ms. Andrea Villaroman.
Kasabay nito, hinirang din na ‘Water Champion’ si Mayor Joy para sa kanyang suporta tungo sa pagkakaroon ng water access, sanitation, and hygiene (WASH).




