Pinasalamatan ng Quezon City Government ang mga principal at supervisor sa lungsod para sa kanilang walang-sawang paglilingkod sa mga kabataang QCitizen.

Sa kanyang mensahe, kinilala ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng mga punong-guro sa pagpapanatili at pagtataguyod ng mataas na kalidad na edukasyon sa lungsod.

Ibinahagi rin ng alkalde ang plano ng lokal na pamahalaan para sa mga paaralan tulad ng pagsasaayos at pagdadagdag ng pasilidad, pagbibigay ng smart TVs, at paglalagay ng CCTVs. Ipa-pilot na rin ang digital classroom initiative at mental health assessment.

Kasama ni Mayor Joy sa thanksgiving program sina QC Schools Division Office Superintendent Carleen Sedilla, Education Affairs Unit chief Maricris Veloso, at Chief-of-Staff Rowena Macatao.

+7