Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bilang paggunita sa International Youth Day ngayong Agosto, nagsagawa ang Social Services Development Department (SSDD) ng isang youth empowerment program para mahikayat ang aktibong pakikilahok ng mga kabataan sa pamamahala.
Sa “Strengthening Youth Leadership and Civic Participation” program, dumalo ang mga lider-kabataan mula sa iba-ibang barangay at organisasyon na nagsilbing plataporma para sa paglilinang ng kanilang kakayahan sa pamumuno.
Iba-ibang talakayan ang sinalihan ng mga kabataan, na pinangunahan nina SK Federation of Quezon City Auditor Arvin Karl Capiral, Founder and President of Break the Fake Movement Gabriel Billones Jr., at 2030 Youth Force of the Philippines, Inc. Executive Director Ranz Aaron Calderon.










