Mga kabataang QCitizen, mag-ingay!
Ngayong International Youth Day at Linggo ng Kabataan, ipinamalas ng mga kabataan ang kanilang talento at galing sa content creation at entrepreneurial skills.
Bida ang mga produkto at negosyo ng mga QCitizen Youth, sa Youth Entrepreneurship Fair sa QC Hall Risen Garden. Bukas ito hanggang August 14, 2025 mula 8AM hanggang 4PM.
Kinilala rin ng lokal na pamahalaan ang mga kabataang nanalo sa Video Advocacy Contest, sa ilalim ng Core Youth at Child Youth category.
Pinangunahan naman nina QC Sangguniang Kabataan Federation Coun. Sami Neri, at Youth Development Office Head Lyn Dividina ang opisyal na pagbubukas ng Linggo ng Kabataan na may temang “Local Youth Actions for the SDGs and Beyond”.




