Zero Illiteracy sa QC: Tutoring Program, Pinalakas!
Nagtipon sa Quezon City University (QCU) ang mga tutor mula sa “Zero Illiteracy sa QC Tutoring Program” para sa isang capacity-building session ukol sa mas inklusibo at epektibong pagtuturo sa pagbasa at literasiya. Sa kasalukuyan tumutulong ang mga naturang tutor sa mahigit 1,300 mag-aaral sa lungsod.
Lubos ang pasasalamat ng Educational Affairs Unit kina Ms. Charlene Faye A. Agati, LPT, MAEd-SpEd, Mx. Cielo Eunice F. Vallejos, LPT, at sa Kabahagi Center for Children with Disabilities sa kanilang pangunguna at suporta sa training na “Inclusive Strategies for Zero Illiteracy sa QC.”
Sa pamamagitan ng kanilang gabay, mas nahubog ang ating mga tutor sa paggamit ng mga pamamaraang tutugon sa pangangailangan ng mga batang hirap sa pagbasa at may iba-ibang learning needs.
Sa Quezon City, patuloy nating pinalalakas ang suporta sa lahat ng mga batang nangangailangan ng gabay sa pagbasa!








