Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsimula na ulit ang Zero Illiteracy sa QC Tutoring Program!
Ngayong National Reading Month, mas pinagtitibay natin ang layunin na matiyak na lahat ng batang QCitizen ay marunong bumasa at may sapat na kasanayan sa numeracy.
1,300 learners mula sa 30 public schools ang kasalukuyang tinutulungan sa 50 hours ng tutoring upang maabot ang mahahalagang kasanayan sa pagbasa at pagbilang.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nag-donate at patuloy na sumusuporta, malaking bahagi kayo ng pag-angat ng ating mga batang QCitizen.
Kung nais ding makibahagi at mag-donate para sa tutoring program, maaari po kayong mag-email sa education@quezoncity.gov.ph.
Sama-sama nating tiyaking walang batang maiiwan sa pagbasa.










