Nagsagawa ang Quezon City Government ng Zoning and Orientation Workshop para sa mga barangay sa Districts 3 at 4.

Ibinahagi sa kanila ng iba-ibang departamento, kabilang ang City Planning and Development Department, Zoning Administration Unit, Tourism Department, City Assessor’s Deparment, QC Disaster Risk Reduction and Management Council, at Business Permits and Licensing Department ang lahat ng kailangan nilang malaman patungkol sa mga batas sa zoning.

Ipinaliwanag din sa kanila ang plano ng lungsod sa urban development para mailinya sa mga target at plano ng bawat barangay.

Pinaunlakan din nina Vice Mayor Gian Sotto, Coun. Irene Belmonte, at Coun. Wency Lagumbay ang pagtitipon na ginanap sa QC M.I.C.E. center.

Kahapon sumailalim sa Zoning workshop ang mga opisyal ng barangay mula Districts 1, 2, 5, at 6.

+23