Tinalakay ang iba-ibang hinaing ng mga lungsod at Metro Manila Mayors sa ika-10 Metro Manila Council (MMC) meeting sa MMDA Office kaninang umaga.
Naging kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon. Pinag-usapan ang mga hakbang para matugunan ang water crisis, COVID-19 situation, update sa single-ticketing system, implementasyon ng Measles-Rubella Vaccine, at monitoring sa presyo ng basic commodities.